Holdaper sa gabi, vendor sa umaga, tiklo
February 4, 2006 | 12:00am
Apat na sidewalk vendor ang dinakip sa isang follow-up operation ng Parañaque Police, matapos positibong ituro ng isang sekyu na biktima ng panghoholdap, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Ang mga suspect ay nakilalang sina Quesroding Alig, 22; Jahlil Arnel, 17; Alimudin Sultan, 19; at Amino Ali, 17, pawang tindero ng mga piniratang VCDs at DVDs sa gilid ng Baclaran Church at naninirahan sa tabi ng Muslim Mosque sa Parañaque.
Sa reklamo ng biktimang si Joven Quiñonez, 25, security guard ng PISA Corp. Security Agency, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang magbabaan ang lahat ng pasahero, na kinabibilangan ni Quiñonez mula sa jeep sa tapat ng tulay Palañag.
Agad silang hinarang ng mga suspect at idineklarang holdap habang nakatutok ang mga hawak na patalim ng mga ito sa mga biktima.
Nagawang limasin ng mga suspect ang mga bag, wallet at cellphone ng mga biktima bago nagsitakas.
Agad namang isinuplong ni Quiñonez ang kaganapan sa himpilan ng pulisya kayat nagsagawa ng isang follow-up operation.
Narekober ng mga awtoridad sa mga suspect ang ilang piraso ng patalim. Ilang concerned citizen ang nagsauli rin ng mga napulot sa lugar ng pinangyarihan ng cellphone at wallet na pag-aari ng isang Irica Navarro na taga-Dasmariñas, Cavite.
Positibong kinilala ni Quiñonez ang mga suspect na tumutok at tumangay ng kanyang cellphone at wallet. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended