Manager tinodas ng assistant
February 4, 2006 | 12:00am
Naging madugo ang dapat sanay gaganaping pulong sa loob ng isang fastfood restaurant matapos na barilin ng isang assistant manager ang hihiranging bagong manager ng store at pagkatapos ay nagpakamatay din ang una sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, kahapon ng hapon sa Malate, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Olive Fernandez, 32, ng 79 A. Flores St., Bagong Ilog, Pasig, manager ng Mc Donalds store sa gilid ng De La Salle University sa Taft Avenue, Malate, habang nagpakamatay din matapos ang isinagawang krimen ang assistant manager na si Luis Perez, 37, ng Sampaloc, Maynila.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng MPD-Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-2:15 ng hapon sa loob mismo ng nasabing branch ng McDonald.
Magsasagawa sana ng pulong ang staff at mga opisyal sa naturang fastfood upang pormal na ipakilala ang pagkatalaga sa bagong manager na si Fernandez nang dumating si Perez na armado ng 9mm na baril.
Dalawang beses na pinaputukan ng suspect ang biktima sa katawan bago ito nagtungo sa rooftop ng restaurant at nagbaril sa sarili.
Agad na nasawi si Perez, habang namatay naman sa Manila Sanitarium Hospital si Fernandez.
Dalawang anggulo naman ang tinututukan ng pulisya. Isa dito ay ang posibleng "professional jealousy" kung saan maaaring nagalit si Perez matapos na hirangin si Fernandez na bagong manager sa halip na siya.
Ikalawa rito ang personal na alitan na kasalukuyang inaalam pa ngayon ng mga imbestigador.
Kasalukuyang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito.
Kaugnay nito, narito ang naging pahayag ni Philip Cuazon Jr., Franchisee, McPhilip Food Industries, Inc.; " I deeply regret this very unfortunate incident and grieve over the loss. My staff and I sympathize with the respective families and we will work closely with the authorities to uncover the truth about this isolated incident". (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest