Matapos ang may 30 minuto ay napakiusapan si Almario Eslao, 63, ng San Antonio, Nueva Ecija na bumaba at sabihin ang kanyang problema.
Dito ay inilabas ni Eslao ang kanyang sama ng loob sa kanyang mga bayaw dahil ayaw siyang palapitin sa kanyang misis na may sakit at naka-confine sa San Antonio District Hospital matapos na ma-stroke.
Ayon kay Eslao, pinagbawalan siyang lumapit sa kanyang asawa dahil sa kawalan niya ng trabaho. Aniya, hindi naman dating ginagawa ito sa kanya ng kanyang mga bayaw noong siya ay OFW sa Dammam, Saudi Arabia.
Lumilitaw na ito na ang ikalawang pagtatangka ni Eslao na magpakamatay. Una na niyang tinangkang magbigti subalit naagapan ng kanyang misis.
Sinabi pa nito na balak din niyang magpasagasa sa tren kung patuloy siyang hindi palalapitin sa kanyang asawa. (Doris Franche)