CA muling binulabog ng bomb threat
February 3, 2006 | 12:00am
Muling binalot ng tensyon ang mga empleyado ng Court of Appeals (CA) sa Ermita, Maynila matapos na makatanggap ng isang tawag buhat sa hindi nagpakilalang lalaki na nanakot na hahagisan nila ng granada ang gusali, kahapon ng madaling araw.
Itoy matapos na una nang naganap na pagsabog sa harapan ng gusali noong nakalipas na Lunes buhat sa isa lamang umanong pillbox.
Sa ulat ng Manila Police District- Explosive and Ordnanace Division, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang matanggap ni Atty. Leticia Cablante ang tawag buhat sa isang nagpakilalang lalaki.
"Ingat kayo dyan, maging alerto. Hahagisan namin ng granada ang tulugan ninyo, sasabog ulit kayo dyan. Hindi ako nag-iisa, may mga kasama ako", ayon sa naturang caller.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad ngunit hindi naman naganap ang naturang pagsabog. Hinala ng pulisya, posibleng intensyon lamang talagang maghasik ng kaguluhan ng taong tumawag.
Samantala, dahil sa naganap na pagsabog sa harap ng gusali kamakailan maglalagay na ng mataas na bakod ang CA bilang bahagi ng mas mahigpit nilang seguridad.
Ayon kay CA Associate Justice Lucas Bersamin, chairman ng CA Security Committee, matagal na nilang plano na taasan ang bakod ng CA at dahil sa nabanggit na insidente ay mapapabilis ang pagpapatupad ng planong ito dahil sa mga pagbabanta na tinatanggap ng CA. (Danilo Garcia at Grace Amargo dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended