2 ulong pugot natagpuan sa Marikina
January 31, 2006 | 12:00am
Dalawang pugot na ulo ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa kahabaan ng Marikina river, kahapon ng hapon sa Brgy. Barangka ng nabanggit na lungsod.
Unang nakita dakong ala-1 ng hapon ang ulo ng hindi pa malaman kung babae o lalaki dahil nakabalot pa ito ng packing tape malapit sa Ampitheater ng nasabing lungsod.
Dakong alas-2:30 naman nang makita ang isa pang ulo ng lalaki sa ilalim ng tulay ng Marcos Hi-way Bridge mahigit 50 metro lang ang layo sa unang ulo na natagpuan.
Napag-alaman kay PO3 Felixberto Aguila, kasalukuyang naglilinis ang mga park maintenance sa nasabing lungsod ng makaamoy ng parang nabubulok na bagay.
Agad nilang hinanap ang pinagmulan ng masangsang na amoy at laking gimbal nila ng makita ang unang ulo na binalutan ng packing tape.
Makalipas ang isat-kalahating oras ay nakita rin ng mga tagalinis ng park ang huling ulo na napag-alamang mula sa balikat ang pagkakaputol.
Napag-alaman pa sa pulisya na may ilang araw ng patay ang mga biktima dahil ito ay nabubulok na.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang posibilidad na ang nakuhang dalawang pugot na ulo sa kanilang lugar ay pag-aari ng dalawa sa apat na chop-chop na natagpuan naman na ikinalat sa lungsod ng Quezon. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended