Ayon kay Atty. Jose Ricafrente, legal counsel ng grupo, labag umano sa batas at sa moralidad ang naging kasunduan ng dalawang kompanya.
Sinabi ni Ricafrente na naghain sila ng motion for intervention sa ERC dahil may karapatan silang kuwestiyunin ang usapin. Sakop din ng kanilang koalisyon sa national, regional at sectoral organizations ang usapin dahil apektado dito ang mga manggagawa at iba pang maliliit na grupo.
Ipinaliwanag ni Ricafrente na posibleng maapektuhan ang pananalapi ng pamahalaan dahil magdudulot lamang ito ng pahirap sa gobyerno at mamamayan.
Sakaling aprubahan ng ERC, ipapasa na ng Lopez-controlled company sa kanilang mga consumer ang P0.12 sentimos kada kilowatt hour na kunsumo sa kuryente. (Doris Franche)