^

Metro

3 pulis sasampahan ng kasong kriminal

-
Nahaharap sa kasong pambubugbog ang tatlong pulis na nagpakilalang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nanggugulpi ng mga empleyado ng isang bar sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga inirereklamong pulis na sina PO2 Jing Isidoro, PO2 Peter Publico at si PO2 Rodolfo Estores na umano’y nagpakilalang mga tauhan ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng QCPD.

Base sa naging salaysay ng mga biktimang sina Antonio Orlanda, 40, doorman at si Ricardo Malaya, 42, parking attendant ng Paradise Disco & Restaurant sa West Ave., Brgy. Nayong Kanluran, QC, kay PCInsp. Rudy Jaraza, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang insidente noong Miyerkules ng gabi sa nasabing lugar.

Nabatid na dakong alas-9 ng gabi nang dumating umano sina Isidoro, Publico at Estores, kasama pa ang isang opisyal umano na si Capt. Layug at lima pang pulis kaya’t kinapkapan umano ni Orlanda ang mga ito at sinabing i-deposit ang dala nilang mga baril.

Ngunit ikinagalit umano ni Isidoro ang ginawang pagkapkap ni Orlanda sa mga pulis kaya’t ginulpi ito ng una maging nina Estores at Publico.

Hindi pa umano nasiyahan ay lumabas pa si Isidoro at pinagbalingan ang isa pang biktima na si Malaya kung saan ito umano ay sinakal at tinutukan pa ng baril.

Nang makalabas na umano ang mga pulis ay dumating naman ang mobile ng Baler Police Station 2 ngunit mabilis na nakasakay ng kanilang mga sasakyan ang mga suspect na pulis. (Doris Franche)

vuukle comment

ANTONIO ORLANDA

BALER POLICE STATION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

ESTORES

ISIDORO

JING ISIDORO

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with