Holdaper timbog sa kinarnap na taxi
January 30, 2006 | 12:00am
Arestado ang isang notoryus na holdaper na nambibiktima ng mga taxi driver makaraang maharang sa isang checkpoint ng pulisya matapos na muling mambiktima sa Marikina City.
Kinilala ang suspect na si Juanito Castillo, 53, residente ng Talisay St. Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal habang sakay ng kanyang kinarnap na Romcat Taxi na may plakang TXA-355 kay Bernardo Esteves, 55.
Nabatid na hinoldap ng suspect si Esteves sa loob ng Greenheights Subdivision, Brgy. Nangka gamit ang isang .22 kalibre ng baril.
Matapos na makuha ang kinitang P800 ni Esteves ay tinangay na rin ng suspect ang taxi at mabilis na tumakas.
Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na mabilis na naglagay ng checkpoint sa panulukan ng J.P. Rizal at Korea Sts. hanggang sa masakote ang suspect.
Sa isinagawang interogasyon, inamin ng suspect na may grupo siya na responsable sa sunud-sunod na holdapan sa nasabing lugar. Nabawi din dito ang pera at baril na ginamit kay Esteves.
Lumilitaw na hinoldap at pinatay din ng suspect ang taxi driver na si Victor Feliciano delos Santos noong Oktubre 7, 2005 sa nabanggit ding subdivision.
Kasong robbery hold-up, illegal possession of firearms at carnapping ang isasampa kay Castillo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am