^

Metro

Parak timbog sa kotong

-
Isang tauhan ng Quezon City police ang dinakip ng kanyang mga kasamahan makaraang mangotong sa isang konduktor ng bus, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Kasalukuyang nakapiit sa QCPD-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) ang suspect na si SPO1 Ramon Borre, nakatalaga sa QCPD-Kamuning Police Station-PCP 10.

Sa ulat ni Supt. James Brillantes, hepe ng QCPD-DIID nadakip ang suspect dakong alas-5 ng umaga sa panulukan ng New York St. at EDSA Brgy. Paligsahan, Quezon City.

Nabatid na pinara ng suspect ang RCJ Bus Lines kung saan agad na bumaba ang konduktor na si Rony Laforga.

Agad na dinakma ng operatiba si Borre sa aktong tinatanggap ang P500 marked money.

Lumitaw naman sa pagsusuri ng crime lab na positibo sa ultra violet powder ang suspect.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong robbery extortion laban kay Borre. (Doris Franche)

vuukle comment

BORRE

BUS LINES

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

JAMES BRILLANTES

KAMUNING POLICE STATION

NEW YORK ST.

QUEZON CITY

RAMON BORRE

RONY LAFORGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with