^

Metro

4 tsinap-chop sa QC

-
Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang apat na katao kabilang ang dalawang babae na natagpuang tsinap-chop ng grupong vigilantes at saka ikinalat sa ibat-ibang lugar kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Unang namataan dakong alas-2 ng madaling-araw ang isang puting Mercedez Benz na nagtapon ng kanang hita ng lalaki na may tattoong "Dogon" at "Bogart" sa may Katipunan Road, Brgy. Escopa sa gilid ng Quirino Memorial Medical Center. Natagpuan kasabay nito sa Tandang Sora Avenue sa Brgy. Culiat naman ang isang kaliwang hita na may tattoo sa tuhod na "Robles Manubay".

Makalipas ang isang oras magkasabay na natagpuan malapit sa Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue ang isang braso at torso ng lalaki sa Gana Compound sa may Kaingin Road, Balintawak.

May placard pa na nakalagay dito na nagsasabing "Babala!! Carnapper at carjacker kayo na ang susunod… Ang pagbabalik ng QC vigilantes".

Ayon kay Inspector Liza Rillo ng QC Crime Laboratory-Scene of the Crime Operation (SOCO) na sa panulukan naman ng Biak-na-Bato at Calamba Sts. sa Brgy. Sto. Domingo magkasunod na nakita ang torso pa ng isang lalaki na katamtaman ang pangangatawan at may tattoo na "Sigue-Sigue Sputnik" at "Dario" at torso ng isang babae na may kapayatan.

Kapwa nakalagay ang dalawang torso o putol na katawan sa isang itim na garbage bag kung saan may nakalagay na karton na nakasulat ang ganito, " Maalab na pagbati sa sambayanan! Batid ng aming samahan ang inyong takot sa holdaper, snatcher, mandurukot , carjacker at carnapper. Pawiin ang inyong takot dahil nagbabalik po ang inyong lingkod- QC vigilantes".

Ilang sandali pa, isang kaliwang hita rin ng babae ang natagpuan sa panulukan ng katipunan Road at Aurora Blvd.

Dakong alas-9:10 ng umaga nang isa pang torso ng babae ang natagpuan ng mga basurero at dinala sa harap ng QC Police-Kamuning Station upang imbestigahan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring hinahanap ang mga ulo at iba pang bahagi ng katawan ng apat na biktima para makilala.

Samantala, agad namang nag-utos si Quezon City Police District director Nicasio Radovan Jr. nang masusing imbestigasyon sa sinasabing paglutang ng grupong "QC vigilantes" na sinasabing responsable sa insidente ng chop-chop sa lungsod.

Ayon pa kay Radovan mahigpit nilang tinututulan ang ganitong sistema ng pagbibigay ng parusa sa mga kriminal at sindikato kung kaya’t dapat lamang pagtuunan ng pansin ng pulisya. (Doris Franche)

AURORA BLVD

AYON

BRGY

CALAMBA STS

COMMONWEALTH AVENUE

CRIME LABORATORY-SCENE OF THE CRIME OPERATION

DORIS FRANCHE

GANA COMPOUND

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with