Rambulan ng 2 grupo ng kabataan: 1 patay
January 27, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 18-anyos na estudyante matapos na saksakin ng isa sa pitong kabataang lalaki na humarang sa grupo nito makaraang ihatid ang isang babae sa tahanan nito sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Willy Boy Cabarle, 18, binata, estudyante sa Manuel Roxas High School at residente ng 1651 Kahilum II, Pandacan.
Dalawa naman sa pitong mga suspect ang nadakip ng pulisya sa follow-up operation, kabilang dito si Maloni Grimaldo, 19 at isang 16-anyos na binatilyo.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa may panulukan ng Zamora at Pres. Quirino Avenue, Pandacan.
Nabatid na inihatid ni Cabarle kasama ang apat pang kabarkada ang isang babae na nililigawan ng kasama niyang si Richard Molina sa may Fabian St., Paco. Naglalakad na pauwi ang grupo nang harangin ng grupo ng mga suspect.
Ayon sa pulisya, nagtakbuhan ang grupo ng mga biktima ng makitang agrabyado sila sa bilang at armado ng patalim ang mga kalaban. Nakorner umano si Cabarle ng mga suspect kung saan binugbog ito at pinagsasaksak.
Agad namang nakahingi ng tulong sa pulisya ang apat na kasamahan ni Cabarle na hindi nagtamo ng anumang pinsala.
Sa isinagawang follow-up operation nadakip ang dalawa sa mga suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended