Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Marikina Regional Trial Court Branch 192 bukod sa pagkakabilanggo ay pinagbabayad din ng korte ang akusadong si Padu Sapirada ng halagang P500,000 para sa danyos ng kanyang kaso.
Sa ulat ng korte, naaresto ang suspect dakong alas-8 ng gabi sa kahabaan ng Singkamas St., Tumana Brgy. Concepcion Uno ng lungsod na ito nang magsagawa ng buy-bust operation na talamak ang bentahan ng droga sa nasabing lugar at ang suspect ang kinukuhanan.
Nagpanggap na poseur-buyer si PO3 Ramuel Soriano at bumili ng halagang P100 kapalit ng 0.03 gramo (isang sachet) ng shabu sa suspect.
Matapos ang bentahan ay mabilis na lumabas ang iba pang kagawad ng pulisya at inaresto ang suspect na tinangka pang tumakas.
Sa panig naman ng akusado, sinabi nitong illegal siyang inaresto ng pulisya dahil nang mga oras na iyon ay kasalukuyan siyang nagluluto, kasama ang ibang kaibigan at nakita niya ang mga pulis na may hinahabol na isang lalaki at nang hindi ito inabutan ay siya ang pinagbuntunan at dinampot.
Subalit ibinasura lang ng korte ang alibi ng akusado at sinabing legal na operasyon ang ginawa ng pulisya. (Edwin Balasa)