Driver at konduktor kasabwat sa holdap, timbog
January 27, 2006 | 12:00am
Hindi na nakapalag ang driver at konduktor ng isang pampasaherong bus na may biyaheng Baclaran- Bulacan nang isangkot sa isang naganap na holdapan makaraang marekober sa likod ng kanilang bus ang ilang piraso ng mamahaling cellphone, Rolex watch at mga pitaka na kinulimbat ng dalawang kasabwat nilang holdaper mula sa kanilang pasahero, ayon sa ulat ng Makati City police.
Nag-ugat ang pagdakip sa mga suspect na sina Dean delos Santos, 30, driver, ng Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan at konduktor nito na si Ricky Abrera, 33, ng JMK Bus Line matapos na inguso ng isa sa dalawang holdaper na unang naaresto matapos ang insidente.
Sinabi ni Makati Police Chief Sr. Supt, Marieto Valerio, isinagawa ang follow-up operation laban sa driver at konduktor ng JMK Bus sa terminal na matatagpuan sa Sta. Maria, Bulacan, matapos na ikanta ng nadakip na holdaper na si Pol Viscayda, 27, residente ng Libis St., Baesa, Quezon City na kasabwat nila ang mga ito sa operasyon ng holdap.
Ayon sa ulat ni PO2 Alejandro Devalid ng Criminal Investigation Division (CID) ng Makati City police, naganap ang panghoholdap sa mga pasahero ng bus dakong alas-9 ng gabi kamakalawa sa Magallanes Interchange. Galing ang bus sa Baclaran at patungong Bulacan.
Nagmamadaling bumaba umano ang mga holdaper matapos na limasin ang mga kagamitan, pera at mga alahas ng mga pasahero.
Agad na nagsumbong sa pulisya ang mga biktima kung saan isang follow-up operation ang isinagawa at nadakip ang suspect na si Viscayda, habang tuluyang nakatakas ang isa pa.
Ikinanta ni Viscayda na kasabwat umano nila sa panghoholdap ang mismong driver at konduktor ng hinoldap na bus.
Narekober ng pulisya sa likod ng bus na nasamsam ang mga naparte ng dalawa sa holdap na Rolex watch, pitaka at 2 mamahaling cellphone. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended