Sa 11-pahinang motion for reconsideration na inihain ni Atty. Frank Chavez sa RTC branch 28, hiniling din nito ang pagbasura sa kaso ni Jaylo sa sandaling mapatunayang wala itong pagkakasala.
Kinuwestiyon din ni Chavez ang pagsasampa ng Department of Justice (DOJ) ng kasong 6 counts of serious illegal detention kay Jaylo gayung isa umano itong public official.
Mayroon umano silang ebidensiya na si Jaylo ay isang public officer kung kayat marapat lamang na ikaso dito ay arbitrary detention at hindi serious illegal detention.
Binigyan naman ng korte ng limang araw ang DOJ para sagutin ang MR na inihain ng kampo ni Jaylo.
Nilinaw din ni Chavez na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila alam kung saan nagtatago ang kanyang kliyente dahil maging ang kanyang mga anak ay hindi rin ito nakikita.
Magugunita na nagpalabas ng warrant of arrest ang korte noong Disyembre 29, 2005 matapos na magsampa ng kaso ang mga naaresto ng tauhan ni Jaylo na umanoy mga illegal recruiter. (Gemma Amargo-Garcia)