Pacquiao aampunin ng QC bilang parangal
January 25, 2006 | 12:00am
Dahil sa kabayanihan na ipinamalas ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao, niluluto ng dalawang konsehal mula sa Quezon City ang isang resolusyon upang gawing adopted son ng lungsod ang sikat na boksingero.
Ayon kina Councilor Winston "Winnie" Castelo at Junie Marie Jemboy Castelo, magsisilbing parangal ang naturang panukala para kay Pacquiao na siyang nagbigay ng dangal sa sambayanang Pilipino.
Sinabi ni Castelo na kahit ang mga taga-Quezon City ay hindi magdadalawang-isip na ampunin si Pacquiao ng lungsod dahil mismong ang buong Pilipinas ay buong pusong tatanggapin ang manlalaro bilang isang mahal na anak sa kanyang pagbabalik sa bansa.
Samantala, sinabi naman ng nakababatang konsehal mula sa youth sector na dapat lamang gayahin ng mga kabataan ang ipinamalas ni Pacquiao bago at sa oras ng labanan na nagtapos sa kanyang tagumpay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended