^

Metro

Police asset itinumba

-
Isang 32-anyos na asset ng pulisya ang nasawi makaraang tambangan ito at pagbabarilin sa ulo ng hindi nakikilalang dalawang armadong kalalakihan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Leo Garra, hepe ng Caloocan City Police, ang biktima na si Angelito Lorenzana, residente ng Miguel St., Sto. Niño Subd., Camarin, ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na nasawi noon din ang biktima sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at likurang bahagi ng tainga. Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspect na agad na tumakas matapos ang ginawang pananambang sa biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 kahapon ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Capitol Park, Camarin, Caloocan City.

Kasalukuyang sakay ng isang tricycle ang biktima nang sundan ang una ng dalawang suspect na pawang sakay ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril ng mga ito nang malapitan sa ulo na naging sanhi ng agarang pagkasawi ni Lorenzana. May teorya ang pulisya na may posibilidad na may kinalaman sa pagiging asset nito sa pulisya ang dahilan ng pananambang sa biktima na sinasabing kilala bilang ‘crusader’ laban sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar. (Rose Tamayo)

vuukle comment

ANGELITO LORENZANA

BATAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CAPITOL PARK

ISANG

LEO GARRA

MIGUEL ST.

ROSE TAMAYO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with