Dahil sa lupa, kuya todas sa utol

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng 30-anyos na lalaki ang kanyang kuya dahil sa alitan sa lupa sa Quezon City.

Nakilala ang biktimang si Luis Noynay, 40, bus driver, ng Idang St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City, samantalang tumakas ang suspect na si Eduardo Noynay, 30, may-asawa, FX driver.

Ayon kay SPO1 Jun Mortel ng QC Police Criminal Investigation Division, naganap ang insidente dakong alas-4:35 kamakalawa ng hapon sa loob mismo ng compound ng pamilya Noynay sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman sa pulisya na matagal nang may alitan ang magkapatid dahil sa usapin sa lupa at bago naganap ang krimen ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mga ito hanggang sa mabaril at mapatay nito ang kanyang kuya.

Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya. (Angie dela Cruz)

Show comments