Madaldal na sekyu binoga, patay
January 24, 2006 | 12:00am
Dahil sa umanoy makating dila, binaril at napatay ang isang 29-anyos na security guard makaraang itsismis umano nito ang kanyang kasamahan dahil sa umanoy kapalpakan nito sa trabaho sa Tondo, Maynila.
Ang biktimang si Richard Perez, may-asawa, sekyu ng Strike Force Alpha Security Agency, residente ng Mabini St., Blk. 5 Magsaysay Village, Tondo at nakatalaga sa Harbor Center Port Terminal Inc. ay idineklarang dead-on-arrival sa Tondo General Hospital dahil sa tama ng baril sa kanyang dibdib.
Samantala, ang suspect na si Rolando Bayonon, 30, may-asawa, kasamahan sa trabaho ng biktima ay nakakulong naman ngayon sa Manila Police District-Homicide Division.
Batay sa imbestigasyon ng Homicide Division, ang insidente ay naganap dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa gate ng nabanggit na lugar ng insidente.
Nabatid na bago umano naganap ang insidente ay nakarating sa kaalaman ni Bayonon na ipinagkakalat umano ni Perez ang kanyang kapalpakan sa trabaho nito sa gate ng Port Terminal.
Kung kayat nang magkita umano ang dalawa ay kinompronta ng suspect ang biktima at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa barilin ng una ang huli.
Sa presinto, agad namang inamin ng suspect ang krimen at ngayon ay pinagsisisihan ito. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended