Binata, kritikal sa dayo
January 23, 2006 | 12:00am
Kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa ospital ang isang 16-anyos na binata makaraang saksakin ng isang lalaki na umanoy dayo kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Nagtamo ng saksak sa katawan ang biktimang si Angelo Calma ng Blk. 6 E. Rodriguez Sr., Quezon City at ngayoy ginagamot sa Delos Santos Hospital.
Mabilis namang nadakip ang suspect na si Reynaldo Olivar na taga Pangasinan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Eulogio Nolasco ng Quezon City Police District-Galas Police Station 11, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa kahabaan ng E. Rodriguez, Quezon City.
Naglalakad ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang suspect at sipain ang una sa likuran.
Dahil dito, tumakbong pauwi ang biktima at kumuha ng kutsilyo at hinamon ang suspect.
Hindi naman akalain ng biktima na may dala ding patalim ang suspect hanggang undayan ito ng saksak ng huli. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended