Ang mga kasong isinampa laban kay P02 Jessie Caragdag,32 ng 1969-M Katamanan St. Tondo, Maynila ay kinabibilangan ng 2 counts of physical injuries, 2 counts of oral defamation, grave threats at alarm and scandal. Nakatalaga ito sa RHSG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.
Nabatid na inireklamo ni Julie Ann Cruz, 26, field supervisor ang walang tigil na pagpapaputok ni Caragdag ng baril dakong alas-11 ng gabi.
Dahil dito, inaresto ng mga pulis si Caragdag hanggang sa magkita sila ni Cruz sa presinto. Tinangka namang suntukin ng pulis si Cruz na nakita naman ng reporter ng GMA-DZBB na si Allan Gatus na nooy nagkokober.
Dito ay si Gatus naman ang pinabalingang suntukin ng suspect na pulis.
Bukod sa mga nasabing kaso posible ring masibak sa serbisyo si Caragdag matapos na ipag-utos ni PNP chief Director General Arturo Lomibao na alisin ang mga scalawag na pulis sa tungkulin.
Kasalukuyan itong nakakulong sa General Assignment Section ng Manila Police District. (Gemma Amargo-Garcia)