^

Metro

NBI pasok sa Escudero slay

-
Magsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI), sa pagpaslang sa anak ng isang mayamang negosyante na itinuturong suspect sa pagpatay sa pamangkin ni Rep. Francis Escudero.

Ito ay matapos na humingi ng tulong sa NBI ang pamilya ng itinuturong suspect na si Victor Ong-Martin, 37 ng #1196 General Luna St., Ermita, Manila na nabaril at napatay ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) station 9, noong Biyernes ng alas-4 ng umaga sa loob ng nasabing presinto.

Ayon kay Atty. Reynaldo Esmerald, hepe ng NBI Special Task Force na hiniling din ni Gil Ramon Ong-Martin, kapatid ng biktima na magsagawa ng sariling autopsy sa bangkay ng kapatid nito upang matukoy kung malapitan itong binaril ng mga pulis.

Nabatid na may-ari ng kompanyang Reliance, isang courier service firm ang mga pamilya Martin at doktor din ang kapatid ng suspect kung kaya’t hindi umano makapaniwala ang pamilya Martin na suspect ang kanilang kapatid sa pang-aagaw ng cellular phone at pagpatay kay Manuel Zachary Araneta-Escudero.

Si Escudero ay inagawan ng kanyang 3100 cellular phone at pinaslang noong Huwebes ng hapon sa Malate, Maynila at si Martin ang itinuturong suspect dito.

Pinaiimbistigahan din ng pamilya Martin sa NBI kung totoong naka-posas pa si Martin nang ito ay mang-agaw ng baril sa dalawang pulis na sina PO2 Jesus de Leon, 34; at PO2 Celso Tabodo 111 na kasalukuyang nasa pangangalaga ng MPD station 9.

Magugunita na inaresto si Martin matapos na magsagawa ng follow-up operation ang station reaction unit (SRU) station 9 sa Tramo St., Pasay City at dito inaresto ang una at isang Leopoldo Villanueva.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon ay hiniling umano ni Martin na tanggalin ang kanyang posas para magtungo sa palikuran upang umihi subalit bigla na lamang umano itong nang-agaw ng baril.

Pinabulaanan naman ni MPD Dir. Pedro Bulaong na si Martin ang suspect sa pagpatay kay Escudero at sa halip ay itinuturo ni Bulaong ang isang Hilario Dizon alyas Boyet na itinuturo ring supect ng mga nakasaksi sa insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

CELSO TABODO

FRANCIS ESCUDERO

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL LUNA ST.

GIL RAMON ONG-MARTIN

HILARIO DIZON

LEOPOLDO VILLANUEVA

MANILA POLICE DISTRICT

MANUEL ZACHARY ARANETA-ESCUDERO

MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with