Pupil patay sa baha
January 22, 2006 | 12:00am
Isang Grade 3 pupil ang natagpuang walang buhay matapos itong malunod habang naliligo sa isang binabahang compound, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Henry Caraballa, 8-anyos, pupil ng Epifanio delos Santos Elementary School at residente ng #101 Acero St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ni PO1 Rommel Habig, alas-6 kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Artex Compound na matatagpuan sa kahabaan ng Aguilar St., Brgy. Panghulo, Malabon City.
Batay sa pahayag sa pulisya ng ama ng biktima, nagpaalam sa kanya ang huli dakong alas-2 kamakalawa ng hapon na dadalaw sa bahay ng mga kaibigan sa nasabing lugar subalit hindi na ito dumating pa kinagabihan.
Sa isinagawang ocular inspection ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nalunod ang bata habang ito ay nagtatampisaw na naliligo sa 4 na talampakang taas na tubig-baha sa nasabing lugar.
Ang Malabon City ay isa sa mga bahaing lugar sa kinasasakupan ng Hilagang bahagi ng Metro Manila bukod pa sa Caloocan, Navotas at Velenzuela City, kahit pa man hindi panahon ng tag-ulan.
Nabatid pa sa talaan ng pulisya na maraming kaso na ng pagkalunod ng mga bata sa tubig-baha sa kinasasakupan ng Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) partikular na sa mga panahon ng high tide at tag-ulan at ang pinakahuling kaso nga rito ay ang pagkalunod ng nabanggit na biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am