2 sunog sa QC: 3 sugatan
January 20, 2006 | 12:00am
Tatlo katao ang nasugatan, kabilang ang dalawang bata matapos ang naganap na sunog sa magkahiwalay na lugar sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Mary Anne Navares, 23; Carlo Bacsa, 12 at Crista Empases, 2, pawang residente sa 73 St., Marys St., Cubao, ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang masunog ang tatlong palapag na gusali na pag-aari ni Jerome Ngo sa naturang lugar.
Nag-umpisa umano ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali kung saan nakatira ang isang nagngangalang Virgilio Empases.
Kasabay ng sunog na ito ay tinupok din ng apoy ang ilang tindahan sa Araneta center at bahagyang nadamay ang Philpost Office sa naturang lugar.
Walang iniulat na nasaktan sa ikalawang sunog at hindi pa rin matiyak kung magkano ang halaga ng ari-ariang natupok. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended