Retardate nagbigti
January 19, 2006 | 12:00am
Isang 18-anyos na umanoy mentally-retarded ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Nakilala ang biktimang si Jolyn de Pedro, ng #10 Philips St., Jordan Park Homes, Commonwealth, Quezon City.
Sa report ng pulisya, isang Fortunato Mamot, bayaw ng biktima ang nakakita sa nakabiting bangkay ni de Pedro sa loob ng kanilang kubo sa likod ng kanilang bahay sa naturang lugar ganap na alas-4:10 ng hapon.
Dinala pa umano ang biktima sa East Avenue Medical Center subalit hindi na naisalba pa ang buhay nito.
Sinasabing ang biktima na may diperensiya sa pag-iisip ay palaging tulala at wala sa sarili bago natagpuang patay. Maraming beses na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima kung saan ay naglaslas ng pulso ang pinakahuling ginawa nito bago ang pagbibigti, gamit ang isang electrical wire.
Gayunman, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang krimen upang matiyak kung walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended