^

Metro

Bus na 15-taon, tatanggalin na sa kalsada – LTFRB

-
Siguradong luluwag ang kalsada sa kahabaan ng EDSA kung matutuloy ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang panukala na pag-phase-out sa mga bus na umaabot na sa 15 taon pataas.

Ayon kay LTFRB Chairwoman Ma. Elena Bautista, dapat na umanong palitan ng mga bus operator ng mas bago ang lahat ng kanilang mga bus na tumagal na ng 15 taon dahil magdudulot lamang ito ng disgrasya at problema sa tinatayang 1.2 milyong pasahero sa kahabaan ng EDSA araw-araw.

Sa ngayon ay kasalukuyang ginagawa ang sunud-sunod na konsultasyon ng LTFRB at mga bus operator kung paano ito ipatutupad.

Samantala, sinabi naman ni Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) President Claire dela Fuente na hindi pa pinal kung paano ang gagawing phase-out ng mga matatandang bus, kung ito ba ay uumpisahan sa petsa ng pag-manufacture nito o sa date na binili ito.

Aminado naman si dela Fuente na halos lahat ng mga bus dito ay imported at puro reconditioned lang o second-hand.

Tinatayang aabot naman sa mahigit 50 porsiyento sa mga bus sa kahabaan ng EDSA ang matatanggal kung matutuloy ang plano. (Edwin Balasa)

AMINADO

BUS

CHAIRWOMAN MA

EDWIN BALASA

ELENA BAUTISTA

FUENTE

INTEGRATED METRO BUS OPERATORS ASSOCIATION

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PRESIDENT CLAIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with