^

Metro

2 grade 4 pupil timbog sa holdap

-
Arestado ang dalawang grade 4 pupil nang holdapin ng mga ito ang isang guro habang naglalakad pauwi sa tapat ng Ever Gotesco sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Pansamantalang isinailalim sa imbestigasyon sa Quezon City Police-District-Batasan Station ang dalawang menor-de-edad na suspect bago ilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bagamat nahuli ang dalawang suspect nabigo naman ang pulisya na mabawi ang cellphone na kinulimbat ng mga suspect sa biktimang si Majorie Agbayani, 27, high school teacher at residente ng No. 78 Victory Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Lumilitaw na naglalakad ang biktima dakong alas-10:45 ng gabi sa Batasan Flyover nang biglang lapitan ng mga paslit na suspect at saka tinutukan ng kutsilyo kasunod ang sapilitang pagkuha sa cellphone ng guro.

Nang makalayo na ang mga suspect ay saka lamang nagawang makasigaw ng biktima na nakakuha naman sa atensyon ng barker na si Noel Tabuela na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspect. Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ang isa pa.

Sa isinagawang pagsisiyasat, sinabi ng dalawa na inutusan sila ng isang alyas Kano na holdapin ang biktima. Ito rin ang kumuha ng cellphone ng guro.

Sinabi pa ng pulisya na isang sindikato umano ang gumagamit sa mga paslit sa kanilang operasyon. (Doris Franche)

BATASAN FLYOVER

COMMONWEALTH AVENUE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DORIS FRANCHE

EVER GOTESCO

MAJORIE AGBAYANI

NOEL TABUELA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE-DISTRICT-BATASAN STATION

VICTORY AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with