Ang mga kabataan na nasa pagitan ng 5 hanggang 13-taong gulang ay pawang mga residente ng Vitas, Tondo, Maynila ay isinugod ng kanilang mga magulang at kamag-anak sa naturang ospital bandang alas-7, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Dr. Emmanuel Montana Jr. ng JRMMH, alas-3:30 ng hapon nang mamitas at makakain ng tuba-tuba ang mga kabataan sa isang puno sa kanilang lugar sa Vitas at bandang alas-5 ng hapon nang ang mga ito ay magsimulang makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.
Sa 14 na isinugod sa naturang pagamutan, 7 dito ay babae at 7 na lalaki kung saan ang pinakabata ay 5-taong gulang samantalang ang pinakamatanda ay 13.
Nilinaw ni Dr. Montano na bawal kainin ang tuba-tuba dahil sa nagtataglay ito ng tonnic acid o acidic ang naturang halaman kayat ang makakakain nito ay makakaranas ng gastro-intestinal problem. Dahil dito kung kayat makakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae kaya dapat madala agad sa ospital ang pasyente upang hindi ma-dehydrate.
Idinagdag pa ni Montana na mabuti na lamang at kakaunti umano ang nakaing tuba-tuba ng mga bata kaya hindi nagkaroon ng seizure o kombulsiyon ang mga ito na maaaring magresulta sa pagkamatay sakaling hindi agad naagapan. (Gemma Amargo-Garcia)