^

Metro

14 nalason sa tuba-tuba

-
Labing-apat na mga menor-de-edad na kabataan ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital (JRMMH) matapos na malason ang mga ito sa kinain na bunga ng puno ng tuba-tuba kamakalawa ng gabi.

Ang mga kabataan na nasa pagitan ng 5 hanggang 13-taong gulang ay pawang mga residente ng Vitas, Tondo, Maynila ay isinugod ng kanilang mga magulang at kamag-anak sa naturang ospital bandang alas-7, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Dr. Emmanuel Montana Jr. ng JRMMH, alas-3:30 ng hapon nang mamitas at makakain ng tuba-tuba ang mga kabataan sa isang puno sa kanilang lugar sa Vitas at bandang alas-5 ng hapon nang ang mga ito ay magsimulang makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.

Sa 14 na isinugod sa naturang pagamutan, 7 dito ay babae at 7 na lalaki kung saan ang pinakabata ay 5-taong gulang samantalang ang pinakamatanda ay 13.

Nilinaw ni Dr. Montano na bawal kainin ang tuba-tuba dahil sa nagtataglay ito ng tonnic acid o acidic ang naturang halaman kaya’t ang makakakain nito ay makakaranas ng gastro-intestinal problem. Dahil dito kung kaya’t makakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae kaya dapat madala agad sa ospital ang pasyente upang hindi ma-dehydrate.

Idinagdag pa ni Montana na mabuti na lamang at kakaunti umano ang nakaing tuba-tuba ng mga bata kaya hindi nagkaroon ng seizure o kombulsiyon ang mga ito na maaaring magresulta sa pagkamatay sakaling hindi agad naagapan. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DR. EMMANUEL MONTANA JR.

DR. MONTANO

GEMMA AMARGO-GARCIA

IDINAGDAG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL HOSPITAL

LABING

TUBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with