^

Metro

Pag-aresto sa mga MMDA enforcer pinalagan

-
Binatikos kahapon ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ginawang pag-aresto ng Makati Police sa isang MMDA traffic enforcer dahil na rin sa kautusan ni Makati Mayor Jejomar Binay.

Ayon kay MMDA Exec. Director Angelito Vergel de Dios, panggigipit lamang ang ginagawang pag-aresto sa mga MMDA traffic enforcer dahil tumutupad lamang ang mga ito sa kanilang tungkulin base na rin sa kautusan ng kanilang pinuno na si MMDA Chairman Bayani Fernando.

Tahasan ding ipinagtanggol ni Fernando ang kanyang tauhan dahil ginagampanan lamang umano nito ang kanyang tungkulin.

Kahapon ay isinampa sa piskalya ang kasong usurpation of authority laban sa MMDA enforcer na si Eddie Cruz ng Traffic Operations Center subalit iniutos ni Fiscal Leonora Sibucao ng Makati Prosecutor’s Office na pakawalan ito para sa kaukulang imbestigasyon.

Kamakalawa ay inaresto si Cruz ng Makati Police nang maaktuhang nanghuhuli at nangungumpiska umano ng lisensiya ng isang Charles dahil sa paglabag sa batas trapiko sa EDSA, Ayala, Makati. Bukod dito, nakumpiskahan din siya ng mga expired traffic violation receipt, mga lisensiya kabilang ang pag-aari ng isang foreigner at OR/CR.

Magugunita na iniutos ni Binay na arestuhin ang lahat ng MMDA traffic enforcer na manghuhuli at mangungumpiska ng lisensiya sa kanyang nasasakupan.

Dahil dito, inaasahang titindi pa ang ‘bangayan’ sa pagitan nina Fernando at Binay bunsod na rin sa kani-kanyang interpretasyon sa naging kautusan ng Korte Suprema sa pagbabawal na paghuli at pangungumpiska sa mga motorista. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BINAY

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DIRECTOR ANGELITO VERGEL

EDDIE CRUZ

ELLEN FERNANDO

FERNANDO

FISCAL LEONORA SIBUCAO

KORTE SUPREMA

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MAKATI POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with