Nitong mga nakaraang araw, napaulat na ang SJDMCWD ay nagnakaw ng 30 milyong litro ng tubig araw-araw mula sa BNAQ-6 dahil sa umanoy illegal na koneksiyon nito. Paliwanag ni Limcolioc nang malaman ng SJDM CWD na iaabandona ng MWSS ang AQ-5 pagkatapos ng interconnection ng BNAQ-6, kaagad silang nagpadala ng liham sa MWSS upang mailipat ang tapping ng WTP No. 1 sa BNAQ-6 subalit hindi ito inaksyunan ng MWSS sa kabila ng malimit nilang pag-follow-up sa ahensiya.
Ang AQ-5 ang dinadaanan ng tubig na binibili ng SJDMCWD sa MWSS bago ito makarating sa WTP No. 1 ng SJDMCWD.
"Kinailangan naming kami mismo ang maglipat ng tapping ng aming registered connection, sa interes ng publiko. Mawawalan ng supply ng inuming-tubig ang 25,000 pamilya sa Sapang Palay at Towerville Resettlement Areas pagkatapos ng interconnection ng BNAQ-6," dagdag pa ni Limcolioc. Nilinaw ni Limcolioc na wala na ang tapping nang mag-inspeksiyon ang MWSS noong Enero 11, 2006. Ang ipinakitang larawan sa ilang mga diyaryo ay ang looping ng WTP No. 1 at WTP No. 2 na inaprubahan ni MWSS Acting Administrator Macra Cruz at isinagawa mismo ng MWSS.
"Magkaiba ang illegal na koneksiyon at ang paglilipat ng isang registered connection," pagdidiin ni Limcolioc.