Walang ninakaw na 30-M litrong tubig ang SJDMCWD
January 16, 2006 | 12:00am
quot;Walang ninakaw na tubig ang San Jose del Monte City Water District (SJDMCWD) mula sa Manila Water Sewerage System (MWSS)." Ito ang mariing sinabi ni Engr. Loreto G. Limcolioc, general manager ng nasabing ahensiya sa gitna ng akusasyon ni Trustee Amaury Gutierrez ng MWSS.
Nitong mga nakaraang araw, napaulat na ang SJDMCWD ay nagnakaw ng 30 milyong litro ng tubig araw-araw mula sa BNAQ-6 dahil sa umanoy illegal na koneksiyon nito. Paliwanag ni Limcolioc nang malaman ng SJDM CWD na iaabandona ng MWSS ang AQ-5 pagkatapos ng interconnection ng BNAQ-6, kaagad silang nagpadala ng liham sa MWSS upang mailipat ang tapping ng WTP No. 1 sa BNAQ-6 subalit hindi ito inaksyunan ng MWSS sa kabila ng malimit nilang pag-follow-up sa ahensiya.
Ang AQ-5 ang dinadaanan ng tubig na binibili ng SJDMCWD sa MWSS bago ito makarating sa WTP No. 1 ng SJDMCWD.
"Kinailangan naming kami mismo ang maglipat ng tapping ng aming registered connection, sa interes ng publiko. Mawawalan ng supply ng inuming-tubig ang 25,000 pamilya sa Sapang Palay at Towerville Resettlement Areas pagkatapos ng interconnection ng BNAQ-6," dagdag pa ni Limcolioc. Nilinaw ni Limcolioc na wala na ang tapping nang mag-inspeksiyon ang MWSS noong Enero 11, 2006. Ang ipinakitang larawan sa ilang mga diyaryo ay ang looping ng WTP No. 1 at WTP No. 2 na inaprubahan ni MWSS Acting Administrator Macra Cruz at isinagawa mismo ng MWSS.
"Magkaiba ang illegal na koneksiyon at ang paglilipat ng isang registered connection," pagdidiin ni Limcolioc.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended