Ang okasyon ay sinaksihan nina PNP chief Gen. Arturo Lomibao, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Gen. Vidal Querol at Manila Police District (MPD) Director Gen. Pedro Bulaong, Manila Mayor Lito Atienza at ilang matataas na opisyal ng PAGCOR.
Bahagi ito ng pinag-ibayong pagsisikap ng pamahalaang Arroyo na labanan ang kriminalidad sa bansa sa ilalim ng Metro Pulis project ng programang Serbisyo Muna. Layunin nitong mapaigting ang seguridad sa paligid ng tanyag na pasyalan at higit na mapangalagaan laban sa masasamang elemento ang mga mamamayang nagpupunta rito.
Ang pagpapasinaya sa bagong police outpost ay idinaos kasabay ng pagdiriwang ng ika-105 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Manila Police District.
Samantala, ginawaran ng Heroes Award ng MPD si PAGCOR Chairman Efraim C. Genuino bilang pagkilala sa epektibo nitong pangangasiwa sa pinaglilingkurang ahensya at walang-sawang pagsuporta sa lahat ng adhikain ng administrasyong Arroyo. (Danilo Garcia)