Kinilala ang suspek na si Eddie Cruz, 42-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Traffic Operations Center ng MMDA at nakatira sa 649 Baseco St., Port Area, Manila.
Ayon kay Inspector Fredie Satorre ng Intelligence Unit ng Makati Police Station, nakumpiska kay Cruz ang isang expired traffic violation receipt (TVR), tatlong lisensya, OR/CR at drivers licence ng isang dayuhan.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Larry Ilagan, dakong alas-9 ng umaga nang maaktuhan si Cruz na kinukumpiska ang lisensya ng isang Chalres Tanpoko na may vioaltion na disregarding traffice sign/signal (DTS).
Nabatid na si Tanpoko ay patungo sa airport nang parahin at pahintuin ni Cruz sa EDSA, Ayala malapit sa MRT Station.
Ikinatuwiran ni Imelda Dangel, team leader ni Cruz na ang mga nakumpiskang lisensya at expired TVR ng suspek ay napulot lamang at hindi pa naiturnover sa kanya.
Nauna rito, nagpahayag si Mayor Binay na huhulihin sa kanyang nasasakupan ang sinumang MMDA traffic enforcer na maninikit sa mga motorista. (Lordeth Bonilla)