Kelot bulagta sa bayaw na parak
January 16, 2006 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang 42-anyos na lalaki makaraang mabaril ito ng kanyang bayaw na pulis nang tangkain ng biktima na hatawin ang huli ng martilyo sa kanilang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakilala ang biktima na si Rogelio Belen, may-asawa ng # 9251 Yalong compound, Parlano St., Maligaya Park Subdivision na nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .9mm sa dibdib na naglagos sa likod.
Kusang loob namang sumuko na nahaharap sa kasong homicide si PO3 Elvis Imperial, 42-anyos, nakatalaga sa Sub Station 4 ng Caloocan City Police at residente ng Block 8, Lot 9 Samuel St., Repar Homes Subd., Brgy. 178, Camarin, nasabing lungsod.
Base sa ulat ni PO3 Arnel de Guzman, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-10:10 ng gabi sa bahay ng nasabing nakabaril na pulis.
Lasing umano ang biktima na nagtungo sa bahay ng kanyang bayaw upang hanapin ang kanyang asawang si Warlita. Subalit nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa nang sermunan ng nasabing suspek ang bayaw dahil sa pagiging iresponsable umano nito sa asawa.
Habang nasa kainitan ng pagtatalo ay galit na kumuha umano ng martilyo ang biktima at tinangkang sugurin ang pulis subalit mabilis na nabunot ng huli ang kanyang service firearm at pinaputukan ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended