^

Metro

Kambal na fetus natagpuan sa kanal

-
Natagpuan kahapon ng umaga ang pinaniniwalaang kambal na fetus na palutang-lutang sa isang creek sa Quezon City.

Tinatayang nasa anim hanggang pitong buwang gulang ang natagpuang fetus bandang alas-6 ng umaga sa creek sa Brgy. Unang-Sigaw, Quezon City.

Ayon sa report, isang nagngangalang Gilberto Castellano, residente sa lugar, ang nagsasalok ng tubig at napadaan sa creek at napansin ang isang bag.

Sa pag-aakalang may mapapakinabangan ay agad niya itong kinalkak subalit laking gulat niya nang makitang dalawang fetus kaya’t agad niya itong inireport sa pulisya na mabilis namang nirespondehan ng SOCO team.

Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng kambal ang dalawang fetus na itinapon lamang ng isang abortionist sa naturang lugar.

Inilagak ang mga labi ng fetus sa Prudential Funeral Homes para mabigyan ng maayos na libing. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BRGY

DORIS FRANCHE

GILBERTO CASTELLANO

INILAGAK

NANINIWALA

NATAGPUAN

PRUDENTIAL FUNERAL HOMES

QUEZON CITY

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with