Pick-up hulog sa ilog: 1 patay
January 13, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 50-anyos na lalaki, habang nasa malubhang kalagayan naman ang kasama nito makaraang mahulog ang kanilang sasakyang pick-up sa ilog, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Reynaldo Castillo, company driver ng Peace Keeper Security Agency at residente ng Boni Ave., Mandaluyong City, sanhi ng tinamong matinding tama sa ulo. Ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang kasama nitong security guard na si Brando Dizon, 32, na nagtamo ng tama sa ulo at katawan.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Robert Dumayas, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Floodway Bridge, Brgy. Manggahan, ng lungsod na ito.
Sakay ang mga biktima ng isang puting Mitsubishi L-200 pick-up, may plakang URZ-298 na minamaneho ni Castillo at binabagtas ang daan galing ng Marikina nang bigla umanong mawalan ng kontrol ang manibela at mabangga sa railing ng tulay at nagtuluy-tuloy sa ilog.
Dahil sa sobrang taas ng pinaghulugan ay agarang namatay si Castillo, habang nasa kritikal namang kondisyon ang kasama nito.
Sa inisyal na imbestigasyon, amoy alak ang mga biktima kaya posible umanong naparami ang inom ng alak ng mga ito at hindi na nito nakontrol ang sasakyan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended