Ayon kay Sr. Inspector Liza Rillo ng QC-Scene of the Crime Operations na dalawa sa napatay na suspect ay tinatayang nasa gulang 30-35, ang isa dito ay may taas na 54 talampakan, nakasuot ng puting t-shirt, brown na pants, habang ang isa pa ay nakasuot ng pulang sweat shirt at dark green pants at may taas na 56 talampakan. Ang ikatlo naman sa nasawi ay may katabaan at naka-brown na t-shirt at black pants.
Nagtamo ang mga suspects ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sinabi naman ni Supt. Roger James Brillantes ng QC Police District-Intelligence and Investigation Division (DIID) na dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang shootout sa Mindanao Avenue, Novaliches, Quezon City.
Isang Marvin Luz ang umanoy inagawan ng mga suspects ng Isuzu Crosswind na kulay coppertone at may plakang XTF-526 ang agad na nagreport sa kanila tungkol sa insidente.
Mabilis na nagsagawa ng operasyon ang pulisya kabilang na rito ang pagtatatag ng checkpoints.
Makaraan ang ilang minuto ay naispatan ng pulisya ang hot car at pilit na pinahinto ang mga carjackers subalit sa halip na tumigil ay pinaputukan ng mga ito ang mga pulis. Dahil dito, napilitang gumanti ng pagpapaputok ng baril ang mga pulis at nagresulta sa pagkamatay ng tatlong suspect.
Sinabi pa ni Brillantes na target ng Pagdanganan Group ang mga Special Utility Vehicle (SUV).
Narekober sa mga suspect ang isang hand grenade, dalawang .38 revolver at isang 12 gauge shotgun at mga bala. (Doris Franche)