Bata ni Echiverri, niratrat, patay
January 11, 2006 | 12:00am
Nasawi ang sinasabing trusted man ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri makaraang pagbabarilin ng apat na hindi nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Patay na nang idating sa San Lorenzo Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Rolando Chiapco, 36, supervisor ng Reform Department of Public Safety and Traffic Management at residente ng Block 9, Lot 21, Everest St., Mountain Heights Subdivision, Brgy. 185 ng nasabing lungsod.
Nagsasagawa na ng malawakang manhunt operation ang operatiba ng follow-up division ng Caloocan police laban sa apat na hindi nakikilalang suspect na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaslang.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi ng maganap ang insidente.
Lumalabas sa pagsisiyasat na nakaupo ang biktima sa harap ng isang tindahan nang dumating ang mga suspect lulan ng dalawang motorsiklo at pawang armado ng baril.
Walang sabi-sabi na pinaulanan ng bala ng dalawang suspect si Chiapco habang nagsilbing look-out naman ang dalawang kasama ng mga ito. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended