Balae ni GMA, ipinaaaresto
January 11, 2006 | 12:00am
Pinadadakip ng hukuman ang balae ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na si German Montenegro dahil sa kasong kriminal na kinakaharap nito o ang hindi pagre-remit ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) sa Makati City.
Ito ang kinumpirma kahapon ng sala ni Judge Benjamin T. Pozon ng Branch 139, ng Makati City Regional Trial Court (RTC).
Ayon sa kautusan si Montenegro ay may nakabinbing standing warrant dahil sa kasong paglabag sa Section 22, ng Social Security Act of 1997 o ang hindi pagre-remit ng kontribusyon sa SSS.
Gayunman, tumanggi silang magbigay ng kumpletong detalye hinggil sa kasong kinakaharap nito.
Nabatid na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakapaglagak ng piyansa ang balae ng Pangulo.
Si Montenegro ay biyenan ni Pampanga Congressman Mikey Arroyo. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended