^

Metro

Cellphone iniligtas ang pulis sa tiyak na kamatayan

-
Mistulang iniligtas ng kanyang cellphone ang buhay ng isang pulis nang ito ang sumalo sa bala sa kanyang sikmura buhat sa dalawang holdaper na kapwa tumumba sa pakikipagbarilan, kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Isa sa mga hinihinalang holdaper ang nasawi, gayunman patuloy pang inaalam ang pangalan nito na nakuhanan ng student driver’s license na Raymond de Castro.

Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isa pang suspect na nasa kritikal ding kondisyon na hindi pa rin nakukuha ang pangalan.

Samantala, nilapatan rin ng lunas matapos madaplisan ng bala sa batok ang pulis na si PO2 Mark Anthony Vitales, 26, nakatalaga sa MPD Station 3 at residente ng Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng madaling araw habang binabagtas ni Vitales ang panulukan ng Batangas at Ipil Sts. sa Sta. Cruz, Manila sakay ng kanyang motorsiklong Suzuki Extreme.

Bigla na lamang hinabol siya ng dalawang suspect na sakay naman sa isang motorsiklo at agad siyang pinaputukan ng baril. Nadaplisan si Vitales sa batok at ang isa pang bala ay dapat sa kanyang sikmura na masuwerte ng tumama sa kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang sinturon.

Nakaganti rin naman ng putok ng baril ang naturang pulis at tinamaan ang dalawang suspect.

Ayon pa kay Vitales, una niyang inakala na nakikipagkarera lamang sa kanya ang dalawa ngunit nabigla siya nang biglang paputukan ng mga ito.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na posibleng target ng mga suspect ang motorsiklo ng naturang pulis. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BATANGAS

BIGLA

CRUZ

DANILO GARCIA

IPIL STS

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MARK ANTHONY VITALES

NAVOTAS CITY

SUZUKI EXTREME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with