8 stude tepok sa sunog
January 9, 2006 | 12:00am
Walong estudyante ang namatay makaraang masunog ang isang lumang dormitoryo matapos mag-inuman kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, apat pa lamang sa mga biktima ang nakikilalang sina Mike Lester Lelente, 22; Joey Nangaran,19; Jelmer Capati, 19 at Vanessa Lachica, 25.
Inaalam pa rin ang mga pangalan ng apat pang nasawi at nasugatan sa insidente.
Lumilitaw sa report ng Manila Fire Department, dakong alas 3:36 ng madaling-araw ng maganap ang sunog sa dormitoryo sa no. 833 P. Campa St. Sampaloc, Maynila na pag-aari ng isang Juan Manahan.
Matutulog na ang mga biktima nang mabilis na sumiklab at kumalat ang apoy na nagmula sa kusina.
Ayon kay Fire Marshall Supt. Pablito Cordeta, posibleng nahirapang makalabas ang mga biktima dulot ng matinding kalasingan.
Ipinalalagay naman na mula sa sumingaw na tangke ng gas ang sanhi ng sunog,
Dakong alas-5:46 ng umaga nang ideklarang fire-out ang sunog habang tinatayang aabot sa P1.8 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended