^

Metro

1-taong supply ng gamit sa eskuwela, pabuya ng DepEd

-
Bilang pabuya sa naging katapatan ng isang 12-anyos na batang babae na nagsaoli ng umaabot sa P300,000 na halaga ng pera sa may-ari ay magbibigay dito ang Department of Education (DepEd ) ng isang taong school supplies para magamit sa kanyang pag-aaral.

Ayon kay DepEd Officer in Charge Fe Hidalgo, nais niyang maging modelo si Cristina Bugayon, grade 6 student ng Tomas Morato Elementary School ng lahat ng mga tao hindi lang sa mga katulad niyang estudyante kundi sa iba pa dahil sa ipinamalas nitong katapatan.

Bukod sa isang taong supply na gamit sa eskuwela ay binigyan din ng pamunuan ng DepEd si Bugayong ng plaque bilang pagkilala sa kanyang huwarang ginawa.

Bukod sa pabuya ng DepEd ay inulan ng ibat-ibang pabuya si Bugayong mula sa ibat-ibang institusyon katulad sa libreng scholarship sa STI at computer package mula sa may-ari ng isinauling pera, bukod pa rito ang mga cash gift ng iba pang kompanya.

Matatandaang napulot ni Bugayong ang nahulog na pera at tseke na nagkakahalaga ng P300,000 mula sa kolektor ng isang kompanya ng computer noong Huwebes ng gabi sa Kamuning Quezon City. Hindi pinag-interesan ng bata ang halaga kundi ang ginawa ay pumunta ito sa istasyon ng radyo at ipinanawagan ang nawalan nito. (Edwin Balasa)

AYON

BILANG

BUGAYONG

BUKOD

CHARGE FE HIDALGO

CRISTINA BUGAYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

KAMUNING QUEZON CITY

TOMAS MORATO ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with