Mister nagbigti matapos mag-away ni misis
January 6, 2006 | 12:00am
Isang 27-anyos na lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos umanong makipag-away sa kanyang misis, kahapon ng umaga sa Marikina City. Patay na bago pa idating sa Garcia Medical Center si Lester Nunal, taxi operator at residente ng Bonanza, Brgy. Fortune ng lungsod na ito. Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ang biktima dakong alas-11:30 ng umaga sa sala ng kanilang bahay. Kadena ng aso na isinabit sa kisame at saka itinali sa kanyang leeg ang ginamit nito sa naturang pagpapakamatay.
Napag-alaman na bago ang pagkakatagpo sa biktima ay humarap pa ito at ang misis nito sa barangay hall ng Fortune matapos na mag-away sa personal na problema. Matapos ang paghaharap sa barangay ay umuwi na si Lester at ilang sandali pa ay nakita na itong nakabigti. Hindi na naman ipina-awtopsiya ng mga kaanak ang biktima dahil naniniwala silang walang foul play na naganap sa nasabing insidente. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am