Rapist-killer ng paslit arestado
January 6, 2006 | 12:00am
Nadakip na kamakalawa ng mga tauhan ng pulisya ang tatlong drug addict na sinasabing halinhinang gumahasa at pumaslang sa isang 6-anyos na paslit noong nakalipas na Disyembre 30 sa Las Piñas City.
Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Ronald Dacrama, 26, ng Bacoor, Cavite; Eric Garin, 29, ng Las Piñas City at Jeffrey Quilatan, ng Las Piñas City.
Nakilala ang biktima na si Erica Estador, ng 1003 Tramo St., Brgy. Zapote, Las Piñas City.
Base sa ulat, dakong alas-10 ng gabi noong Disyembre 30 nang dalhin ng mga suspect ang bata sa isang abandonadong bahay sa kahabaan ng Naga Road, Doña Julieta Subdivision, Brgy. Pulang Lupa ng naturang lungsod.
Nabatid na dito halinhinang hinalay ang paslit at saka pinaslang. Bukod sa mga saksak sa katawan, ginilitan din ito ng mga salarin.
Isang saksi na nakilalang si Roberto Yate, 33 ang positibong kumilala sa mga suspect.
Tinangka ring patayin ng mga suspect si Yate na nagawa namang makatakas at saka nagsumbong sa mga tauhan ng pulisya.
Dakong alas-10 ng gabi sa isinagawang follow-up operation nadakip ang mga suspect.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga nadakip. (Lordeth Bonilla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended