Si Bautista ay una nang sinampahan ni Danilo Candaba, chairman ng Alabang Transport Service Cooperative , Inc. ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman noong Nobyembre 18, 2005.
Nakasaad sa panibagong dokumento na kinasuhan ni Candaba si Bautista noong Enero 2, 2006 ng walong counts ng serious misconducts at gross abuse of authority.
Bukod kay Bautista, kasama rin sa kinasuhan sina LTFRB NCR director Forencita Cuesta, OIC-chief TDO ng LTFRB Victor Lorenzo, LTFRB hearing officer Atty. Robert Peig; LTFRB Management Information Division Nida Quibic; LTFRB personnel Elizabeth Tandog at isang nagngangalang Eugenio Portuges.
Ipinaliwanag ni Candaba na kahina-hinala para sa kanila ang nagaganap sa LTFRB dahil ang lahat ng mga transaksyon ay pabor kay Portuges na kalaban niyang grupo sa ATSCI.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Bautista hinggil sa reklamo ni Candaba. (Doris Franche)