Jaylo ipinaaaresto
January 5, 2006 | 12:00am
Inilunsad na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang manhunt operation laban kay dating Anti-Illegal Recruitment chief Reynaldo Jaylo matapos na magpalabas ang Manila Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest laban dito.
Base sa warrant, walang piyansa na inirekomenda si Judge Nina Antonio-Valenzuela ng Manila RTC branch 28 sa oras na madakip si Jaylo.
Ang naturang warrant of arrest ay bunsod ng anim na kasong illegal detention, isang capital offense na isinampa laban dito sa sala ni Valenzuela.
Matatandaan na nalagay sa alanganin si Jaylo, hepe ng binuwag na Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force matapos na unang madakip ang kanyang mga tauhan sa isang entrapment operation sa Pasig City sa umanoy pangongotong sa isang negosyante na inakusahan na isang illegal recruiter.
Dito nadiskubre ang patuloy na operasyon ng tanggapan ni Jaylo sa panghuhuli sa mga hinihinalang illegal recruiter sa kabila na binuwag na ito ng Office of the President. Sinalakay din ng NBI ang tanggapan ng PAIRTF kung saan dinakip ang iba pang mga tauhan ni Jaylo at nadiskubre rin ang ilan pang mga nakakulong na suspect.
Bukod sa NBI, nakatanggap na rin ng kopya ng warrant of arrest ang Manila Police District at iba pang police units. (Danilo Garcia at Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended