Pulis na tulak ng droga tiklo
January 4, 2006 | 12:00am
Arestado ang isang pulis na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa kinasasangkutan nitong kasong pagtutulak ng ilegal na droga kamakalawa ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa San Juan.
Kinilala ang suspect na si PO2 Ricardo Puno, 43, miyembro ng Las Piñas police at nasa order of battle ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).
Sa ulat, nadakip ang suspect ng mga kagawad ng San Juan police dakong alas-5 ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa #22 P. Road 10, Brgy. West Crame, ng nasabing bayan.
Napag-alaman na isang impormante ang nag-tip sa kinauukulan na nagpunta doon ang suspect upang magtago.
Si Puno ay may anim na warrant of arrest sa Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 225 dahil sa kasong drug pushing at pag-iingat sa droga noong nakaraang taon. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended