3 murder suspects timbog
January 4, 2006 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong murder suspects sa isinagawang operasyon, kamakalawa.
Kinilala ni Senior Inspector Dominador Arevalo Jr., chief ng homicide section ng MPD ang mga nadakip na sina Ariel Reyes, 31; Efren dela Cruz, 30, painter at Rogelio Go, 42, junkshop owner, pawang taga-Pandacan, Manila.
Ayon pa sa pulisya ang tatlo ay responsable sa pagpaslang kay Franco Sapero, 49, junkshop employee, ng Bacood, Sta. Mesa, Manila noong nakalipas na Disyembre 11.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya sinasabing ginagamit umano ng suspect na si Reyes ang banca ng biktima ng hindi ito nagpapaalam. Napag-alaman na nagalit umano ang biktima ng minsang isauli ni Reyes ang banca na may sira.
Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa bigla na lamang tagain ni Reyes ang biktima ng samurai, habang ang dalawa pang suspects ang tuluyang tumapos dito.
Patay na nang idating sa Mandaluyong Medical Center ang biktima, habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspect.
Unang nadakip sina dela Cruz at Go sa kanilang tinutuluyan sa Pandacan.
Ang dalawa na rin ang nagturo kung saan matatagpuan si Reyes na nadakip naman sa Pateros. Isinampa na ang kasong murder laban sa tatlong suspects. (Nestor Etolle)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended