Pasay City jail binaha ng dumi ng tao
January 4, 2006 | 12:00am
Namemeligrong kumalat ang ibat ibang uri ng sakit sa mga preso at maging sa mga tauhan ng pulisya sa Pasay City Police Station dahil sa mabahong amoy na kanilang nalalanghap makaraang sumabog ang isang poso negro sa Pasay City jail na sanhi ng apat na araw na pagbaha ng dumi ng tao.
Nabatid na sumabog ang baradong poso negro sa nabanggit na piitan kung kayat bumaha rito ng dumi ng tao.
Maging ang kalapit residente ay hindi na makahinga sa tindi ng baho na kanilang nalalanghap.
Ayon sa ilang pulis, hindi na umano sila makapagtrabaho nang maayos dahil halos masuka sila sa nalalanghap, lalo na umano ang mga preso sa loob ng piitan na limitado ang lugar na ginagalawan.
Ilang araw na umano nilang idinadaing ang naturang amoy, subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring kaukulang aksyon maging ang pamahalaang lungsod ng Pasay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended