^

Metro

8 miyembro ng gold bar syndicate, timbog

-
Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang walo katao na hinihinalang miyembro ng isang sindikato na nagbebenta ng pekeng bara ng ginto, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Froilan Libre; Pablo de Vera; Edmund Villoria; Rolando Sendana; Rene Macanas; Felix Villoria; Salvador Cauilan at Romy Haranon, pawang taga-Pangasinan.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nadakip ang mga suspect sa loob ng compound ng lumang gusali ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) sa may San Marcelino St., Ermita Maynila sa likod lamang ng MPD headquarters.

Ito’y matapos na makatanggap ng ulat ang pulisya ukol sa mga kahina-hinalang katao na pumasok sa naturang compound. Dinakip ng mga tauhan ng District Intelligence and Investigative Division (DIID) ang walong suspect na sakay ng isang pampasaherong jeep na may plakangTWR-610.

Sinasabing isang kahon na hinihinalang naglalaman ng naturang mga pekeng bara ng ginto ang narekober sa sindikato. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATIVE DIVISION

EDMUND VILLORIA

ERMITA MAYNILA

FELIX VILLORIA

FROILAN LIBRE

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES

RENE MACANAS

ROLANDO SENDANA

ROMY HARANON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with